国立広島・長崎原爆死没者追悼平和祈念館 平和情報ネットワーク GLOBAL NETWORK JapaneaseEnglish
 
Select a language / Filipino (Filipino・フィリピノ語) / Video testimonial
TSUBOI Sunao (TSUBOI Sunao)
Gender Male  Age at time of bombing 20 
Recorded on 1988.8.1  Age at time of recording 63 
Location at time of bombing Hiroshima(Distance from the hypocenter:1.2km) 
Hall site Hiroshima National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims 
Dubbed in Filipino/
With Filipino subtitles
With Filipino subtitles 
Si Sunao Tsuboi, 20 anyos sa oras na iyon. Naranasan niya ang pagsabog ng bomba mula sa Minamitakeya-cho, 1.2 kilometro mula sa sentro ng pagsabog ng bomba. Noong ika-6 ng Agosto, itinayo ang isang lugar sa Miyukibashi kung saan maraming tao ang tumanggap ng pangunang lunas, at inilipat sa Ninoshima. Si Ginoong Tsuboi na nasaksihan ang kalunos lunos na pangyayari sa Miyukibashi, ay sinabing natutunan niya ang takot sa edukasyong nagdala sa mga tao sa giyera. Matapos ang digmaan, ito ang naging unang hakbang sa kanyang pagtuturo tungkol sa kapayapaan, bilang isang guro.
 
 
Noong umaga ng ika-6 ng Agosto, nang naglalakad ako papasok sa hilagang tarangkahan ng unibersidad, naranasan ko ang pagsabog ng bombang atomika sa kalsada. Napakainit ng araw na iyon. Nang mga oras na iyon, hindi ko pa alam kung ano ito, nakakita ako ng liwanag kagaya ng liwanag mula sa magnesiyo, mayroong magandang kulay na pula, dilaw, at luntian na kulay. alam kong hindi angkop ang paglalarawan na maganda, Biglaan na lamang akong inulanan ng liwanag na ito mula sa itaas. Dadapa sana ako sa mga oras na iyon, pero ang alam ko ay tumalsik ako. tumalsik ako lampas sa kalye, at umabot sako sa harap ng bahay. At ang bahay na iyon, ay gumuho na nang aking mamalayan. nagpabalik-balik ako sa gitna ng dilim.
 
Matapos ang mga sampung minuto, naramdaman ko ang sakit sa likod ko na parang tinutusok-tusok, kaya't tinanggal ko ang aking kamiseta. nasusunog pa ang kamiseta ko. Siguro sa loob ng sampung minuto, nagtatatakbo ako paikot-ikot habang suot ko ang nasusunog kong kamiseta. Dahil sa sobrang pagkagulat ko, hindi ko na naramdaman ang sakit ng likod ko.
 
At mula doon sa gumuhong bahay, narinig ko ang boses na sumisigaw ng saklolo, Dahil 20 anyos pa lamang ako at bata pa, naisip ko na kailangan kong tumulong, kaya't pumunta agad ako sa tabi ng gumuhong bahay, ngunit kahit na naririnig ko ang boses, hindi ko makita kung nasaan siya. Ilang beses ko pang narinig ang boses na iyon. Dahil hindi ko kakayanin na buhatin ang mga kahoy na poste ng bahay at iba't bang mga bagay, sinubukan kong humingi ng tulong sa kalapit na lugar. Ngunit nang makita ko ang mga tao, iniaabot nila ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga mukha ay puro putik. Noong mga oras na yon, hindi ko namalayan na ako din ay tinamaan, ang alam ko lang ay may bomba na bumagsak malapit sa akin. Humingi ako ng saklolo pero lahat ng tao ay tila ba mga multo kaya marahil ay natakot ako. Kahit gusto kong tumulong nang mga oras na iyon, naisip ko na imposible na ako lamang mag-isa, masakit man sa loob ko, pero umalis na lamang ako sa lugar na iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang boses na iyon. Kapag napag-uusapan ang mga bagay na ito ay tiyak na mapapanaginipan ko ito. Hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng isipan ko ang mga ito. Alam kong nakagawa ako ng bagay na tunay na nakalulungkot.
 
noong naglalakad ako, kapag nakatapak ako ng bagay na malambot, ito ay kamay ng tao o iba pang bahagi. may mga kamay at ulo ng tao na lumilipad, at mayroong isang medyo may edad na, may nakatusok na kahoy sa kaniyang dibdib kaya't sa bawat paghinga niya, labas masok ang kanyang baga sa katawan. Siguradong namatay din ang taong iyon sa aking palagay.
 
Naisipan kong pumunta sa paaralan ngunit habang ako'y naglalakad ay unti-unting nawalan ako nang ganang maglakad kaya't umupo na lamang ako sa ilalim ng isang puno. Nang mga oras na yon, narinig ko sa mga nag-uusap na mayroong pagamutan sa Miyukibashi. Nasa 200 hanggang 300 metro na lamang ang layo ko sa Miyukibashi, kaya't pinilit ko na makapunta roon.
 
Nakarating ako sa Miyukibashi ngunit may ilang libong tao ang nagsisiksikan dito. Kahit na sabihin na pagamutan, wala itong kahit bubong man lamang. May liwasan sa pagitan ng limang interseksyon kung saan nagtipon-tipon ang lahat. Sa oras na iyon, nagdala ang pangkat ng mga manggagamot ng langis at matiyagang pinahiran ang mga nasunog na balat ng pasyente. Ang langis na ito ay langis ng tren.
 
Pagkatapos niyon ay maraming trak ang dumating, ngunit hindi ko malilimutan ang mga pangyayari sa mga trak na ito. Bumaba mula sa mga trak ang mga sundalo. Pagkatapos ay may malakas na boses na tila ba sumasaksak sa dibdib ang nag anunsyo ng "Ang pwede lamang sumakay sa trak na ito ay mga binatang lalaki lamang, ang mga babae, bata at matatanda ay hindi maaring sumakay". Pinababa ang mga matatanda at mga babaeng sumasakay sa trak. May isang lalaki na nasa 40 hanggang 50 anyos ang sinubukang isakay ang isang batang babae na nasa elementarya habang hinihila pataas ang kaniyang kamay simula sa itaas ng trak. Subalit sinabihan siya ng sundalo na "Hindi pwedeng magsakay ng bata." at pinaghiwalay sila. Mukha silang mag-ama. Pagkatapos ay umalis na ang trak.
 
Nakakapagtaka siguro kung bakit hindi sumama sa pagbaba ng trak ang ama, pero kalagitnaan ito ng giyera, iisipin nila na para kang babae, napakadelikado rin na sumuway sa mga sundalo, dahil huhulihin ka ng pulis at babansagan kang hindi makabayan. Dahil sa ganoong klase rin ang edukasyon na natutunan ng ama, kaya't marahil ay hindi niya nakayanang tumalon pababa ng trak kasama ang kaniyang mahal na anak. Ang aking galit ay nabuo para sa giyerang ito dahil ang tao ay hindi tinatrato bilang tao at hindi ito nagbibigay ng halaga sa karapatang pantao.
 
Ilang beses din akong nawalan ng malay, ngunit nagkamalay akong muli nang ako ay sinabihan ng aking kaklase ng "huy Tsuboi, anong nangyari sa'yo?". Hinikayat ako ng aking kaklase, at dahil isa akong lalaki na bata pa, pinasakay ako sa trak, at pagkatapos ay dinala kami sa barkong pang militar sa Ujina. Wala na lang akong magawa sa sitwasyon dahil napakarami ng mga tao. Doon kami nagkita ng aking kaibigan. Kahit na sa loob ng libo-libong mga taong naroroon ay napakaliit ng tsansa na magkita kami. Ang kaibigan kong ito ay nakatira ngayon sa Tokyo. Ipinasan ako ng kaibigan kong ito sa kanyang likuran, itinakas niya ako mula Ujina patungong Ninoshima.
 
Nang magpagamot ako sa Ninoshima, mag-isa akong naglakad, pinahiran ng mercurochrome at iba pang klaseng paggagamot ang ginawa sa akin. Dahil sa kailangang lumakad patungo roon, hindi ka nila gagamutin. Dahil sa ang mga katulad namin na mga pasyente na may mabigat na pinsala at hindi makagalaw, hindi rin kami makatanggap ng kahit anong paggagamot hanggang makauwi kami sa bahay. Dinadapuan kami ng mga langaw sa aming mga sugat, nangingitlog ang mga ito at nagiging uod. Maging ang pagitan ng balat at laman ko ay pinamahayan ng maraming uod. Tinatanggal ng aking ina ang mga uod gamit ang tiyani, ngunit ako ay nasasaktan dahil sa nakadikit ang mga ito. Masakit ngunit kailangang tiisin, dahil kung hindi ay mamamahay ang mga uod sa loob ng katawan at mamamatay roon. Nangyari mismo sa akin ang mga bagay na iyon.
 
May isang estudyante, nang nasa bingit na siya ng kamatayan at ang boses niya ay parang mamamatay na, bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa pader, ibinangga niya ang sarili niya sa pader at namatay. Bakit kaya niya ginawa iyon. Bago siya bumangga, sumigaw siya nga "Sugod!". Marahil ay pakiramdam iyon ng nakikipaglaban sa giyera. Ito ang nakakatakot sa militarismong edukasyon. Mayroon din akong nakitang tagpo ng pagbagsak ng isang tao na nasa bingit ng kamatayan, tumatakbo siya habang sumisigaw ng "Sugod!" "Patayin ang kalaban!". Ito rin ang dahilan para maramdaman ko na ang giyera at edukasyon ay tunay na nakakatakot, at kung gaano kaimportante ang edukasyon.
 
Matapos na magkaroon ng komunikasyon sa probinsiya, dumating sa Ninoshima ang aking mga magulang kasama ang aming kamag-anak sakay ng inarkilang bangka. Nang magtanong sila sa tanggapan, sinabi sa kanila na wala raw ako sa listahan. Kailangan akong hanapin ng aking mga magulang mula sa libo-libong mga biktima ng pagsabog ng bomba. Ngunit dahil sa napinsala ang mga mukha, hindi nila ako matagpuan kahit na gaano pang kasigasig ang kanilang paghahanap. Nang pagabi na ay umuwi na ang aming kamag-anak. Naiwan ang aking mga magulang, ngunit wala rin silang magawa. Sunod-sunod na pumanaw ang mga tao, noong una ay sa Ninoshima sinunog ang mga bangkay, ngunit ng mga panahon na iyon ay kulang ang taong gagawa sa pagsunog maging ang langis ay kulang, kaya't ang mga bangkay ay iniwan na lamang sa bomb shelter at mga bukirin. Isa-isang tiningnan ng aking mga magulang ang mga bangkay, ngunit hindi nila ako natagpuan. Nang hindi nila ako matagpuan, nagsimula na silang maghanda pauwi, sinilip nila ang mga kuwarto at sinigaw ang aking pangalan, na tila balewala ang hiya at reputasyon. Dahil sa boses ng aking magulang, naramdaman ko na bumalik ang aking malay, sumagot ako ng "nandirito ako" habang nakataas aking kamay, matapos nito ay nawala na naman ang aking malay. Nagkataon na bumalik ang aking malay dahil sa determinasyon ng aking mga magulang kaya't ako ay nakaligtas.
 
Enero 10 ng sumunod na taon nang makaya ko nang umupo, at mga bandang Marso naman nang makaya kong muling tumayo habang nakahawak sa pintuan at maglakad ng kaunti. Nang makauwi na ako sa bahay, naalis ang balat ko sa ulo, sinabihan ako na hindi na daw ako makakaligtas dahil sunog and likod ko hanggang paa, ilang beses din akong sinabihan ng doktor na "siguradong hindi na siya makakaligtas", at "Hanggang ngayong gabi na lamang siya".
 
Ilang beses din akong na-ospital. Kapag ako ay nao-ospital, madalas na normal akong nakakapagtrabaho, at masigla ako sa araw na iyon, pero sa sumunod na araw ay bigla na lamang kong babagsak. Walang may alam kung ano ang dahilan nito. Halimbawa, pag-uwi ko galing sa trabaho, kakain ako, manonood ng TV, at hihiga para magbasa ng dyaryo at matutulog, bigla ko na lamang mararamdaman na hindi normal ang aking lalamunan. May nangyari rin na matapos nito, ay may lalabas na dugo kaya't tatawag ng ambulansya para madala ako sa ospital ng prefektyur. Maging sa ospital ng prefektyur, ay sinabihan din ako na hindi nila alam kung bakit ganito ang nangyayaring pagdurugo. Maging ang pinaputing bulak na ibinigay sa akin sa loob ng ambulansiya ay pulang-pula dahil sa dami ng dugong lumabas. Hindi ito tulad ng kaunting pagdurugo ng gilagid. Hindi lamang pisikal, kundi maging sa pag-iisip ay palaging may pangamba, ganoon ang aking naging buhay matapos ang giyera.
 
Lubusan kong naramdaman na ang lagim ng radyasyon hindi lamang problema sa pisikal, kundi ay unti-unting sumisira sa pag-iisip. Hanggang ngayon, nang dahil lamang sa inyo kaya ako ay nabubuhay. Kung paanong ang giyera ay ginagawang hindi tao ang tao. Buhay man o kamatayan sa natural, makaligtas ka man ay balewala lamang sa giyera ang buhay ng tao.
 
Kaya naman ang edukasyon para sa akin ay lubhang nakakatakot ngunit mahalagang bagay, kaya ako ay naging guro ay dahil sa gusto kong gawin ang aking magagawa para sa inyong lahat. Marahil ay hindi ako naging guro kung ang gusto ko lamang ay magbayad ng utang na loob. Dahil sa malaki ang naging paniniwala ko na kaya ng edukasyon ang magsimula ng giyera, kaya't pinili ko na maging isang guro. Ako ay naging guro at ginagamit ko ang pagkakataon na makasama ko ang aking mga estudyante, mga magulang o tagapag-alaga, upang makapagbigay ng suporta sa kapayapaan maliit man ang aking kakayahan.
 
Ang mga naging pahayag ni Ginoong Sunao Tsuboi.           
  
 
 

HOMEに戻る Top of page
Copyright(c) Hiroshima National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims
Copyright(c) Nagasaki National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims
All rights reserved. Unauthorized reproduction of photographs or articles on this website is strictly prohibited.
初めての方へ個人情報保護方針
日本語 英語 ハングル語 中国語 その他の言語