国立広島・長崎原爆死没者追悼平和祈念館 平和情報ネットワーク GLOBAL NETWORK JapaneaseEnglish
 
Select a language / Filipino (Filipino・フィリピノ語) / Video testimonial
ORIMEN Shigeko (ORIMEN Shigeko)
Gender Female  Age at time of bombing 37 
Recorded on 1990.8.  Age at time of recording 82 
Location at time of bombing Hiroshima 
Hall site Hiroshima National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims 
Dubbed in Filipino/
With Filipino subtitles
With Filipino subtitles 
Si Shigeko Orimen, 37 anyos sa oras na iyon Nakakita ako ng liwanag mula sa Yahata Village, Distrito ng Saeki na 8.7 kilometro  ang layo sa sentro ng pagsabog. Ibinagsak ang bombang atomiko sa mga oras na kakatapos ko lang magligpit nang umaga. Noong ika-7 at ika-8 araw ng buwan, sa loob ng dalawang araw na ito ay nilakad ko ang looban ng bayan upang hanapin ang aking anak na lalaki na si Shigeru. Nang makita ko sya, siya ay bangkay na katabi ang kanyang baunan. Ang kuwento tungkol dito ay inilathala bilang "Makkuro na Obento (Ang maitim na baunan)" Ngayon ang baunang ito ay nakatabi at ini-exhibit sa Hiroshima Peace Memorial Museum.
 
 
Nang mga panahon na iyon, may ipinamamahaging trigo at kanin, at mayroon ding kalahok na soybeans. Pero ang soybean ay hinahati sa apat o dalawa, kaya ito ay hindi makain kapag iniluto kasama ng kanin at trigo. Ang turo sa akin ay dapat dalawang beses iluto ang soybean. Noong ika-5 ng Agosto, isang beses akong nagluto ng soybean, at ang bigas at trigo naman ay ibinabad ko sa tubig. Pagkagising ko nang sumunod na araw, ang tatlong klase ng pinaghalong pulang trigo, bigas, at ang soybeans na niluto nang makalawang beses ay niluto ko gamit ang mga panggatong.
 
Kapag sinasabi ko kay Shigeru na soybean rice ang pagkain ngayon, masayang-masaya siyang sumagot na "O, yes- ang saya". Ang ulam sa baunan ay patatas na tanim sa bahay na hiniwa hiwa nang pahaba at manipis na ginisa sa mantika. Ngayon kapag nasisiyahan tayo magsasabi tayo ng "yehey", subalit ang pagiging masaya nang mga panahong iyon ay tahimik lamang. Noong ika-6 ng Agosto nang umaga,  si Shigeru ay masayang nagsabi ng "yes- ang saya" at lumabas dala-dala ang kanyang baon.
 
Palagi ko syang pinapaalalahanan na "kapag may nangyari, magkubli ka". At nang sinabi ko ito noong araw rin na iyon, siya ay masayang sumagot na "alam ko". Ang kanyang masayang mukhang nagsasabing "alam ko" ay nag-iiwan pa rin ng masamang pakiramdam hanggang ngayon. Nangyari ang mga ito nang mainit na umaga ng ika- 6 ng Agosto.
 
Noong panahon na iyon, mayroon din akong 14 na buwang gulang na anak. Siya ay inaalagaan ng kanyang lola, kaya't pumunta ako upang kunin siya. Pagbaba mula sa ikalawang palapag, mayroong espasyo na 3 tatami mat ang luwag, at maganda ang simoy ng hangin doon, Kaya't doon ko ibinaba at pinasuso ang bata. Matapos mabusog ang bata sa pag-inom ng gatas, palayo sa akin, siya ay naglakad sa unang pagkakataon. Habang ako'y kinakabahan sa paglakad niya, sa ika-tatlong hakbang niya ay sumabog ang bombang atomika. Gumulong ang bata at siya ay umiyak. Noong panahon na iyon, ako ay nagtatrabaho bilang dentista, at ang kabuuan ng paligid ay pintuang salamin. Nang bigla itong nagliwanag, kasabay nito ang malakas na tunog ng pagkabasag, Sabay sabay na nangyari ang iba't ibang tunog. Dahil sabay sabay ang iba't ibang ingay, ang anak ko ay umiyak dahil sa lakas nito.
 
Ang aking tiyahin na nakatira sa bandang likuran ay daladala ang kanyang apo, at nagtanong na "Anong dapat nating gawin?". Sa tabi ng tiyahin ko, may bahay na pagmamayari ng mga Aratani. Noong umaga ng araw na iyon, ang aking lola, tiyahin, at si Ginang Aratani - silang tatlo ay daladala ang kanilang mga apo, at naglalaro sa ibang lugar. Pagkatapos ng tanong na "anong dapat nating gawin?".  Nakita namin na umaakyat ang ulap na tila may sumabog na bulkan sa direksyon ng Suzugamine. Para bang mayroon ding tunog ng eroplano, ngunit sa sobrang takot ko ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.
 
Sa likod, ang mga tiyahin ko ay gumagawa ng silungan kontra sa air-raid. Kapag pumasok sa silungan kontra sa air-raid na ito ay hindi ka makakatayo. Iniisip ko na tila walang kwenta ang ginawa namin na ito, ngunit mayroong utos na gumawa kaya't gumawa na rin kami. Pagkatapos naming lagyan ng halaman ang itaas ng silungan kontra sa air-raid, pumasok na kami kaagad dito. Ang aking tiyahin ay hindi mapakali, at tinitingnan lamang niya ang direksyon kung saan may ulap na hugis kabute ang umaakyat. Kahit na tingnan at isipin namin "kung ano ang nangyari, ano nga ba iyon" nabasag na ang mga salamin sa bintana, at wala na kaming magawa dahil sa takot.
 
Nandito at sa ikalawang palapag ang mga kagamitan sa pagdedentista at ang mga gamit pang-ebakwasyon ng nakababata kong kapatid na babae at tiyahin. Dahil basag na ang pintuang salamin, sa labas ay kalye na agad. Kapag umuupo, aabot na ang mga paa sa kalye mula sa lupa ng aming bahay. Dahil maraming dumadaang tao sa kalye at dahil basag na ang pintuang salamin, delikado at nakikita mula sa labas ang mga gamit pang-ebakwasyon. kaya't hindi kami makalabas sa ganoong sitwasyon.
 
Upang hindi masugatan kahit na maglakad man, aming niligpit ang mga nakakalat na basag na salamin sa labas hanggang sa dumilim na ang kalangitan. Sa palagay ko ay parang isang oras ang lumipas. Lumabas ang ulap at pumatak ang ulan, ngunit hindi naman napakalakas na ulan. nang aming tingnan, may nalaglag na mga piraso ng papel. Tamang-tama kung titingnan mula sa ibaba kapag malakas ang pag-ulan ng niyebe, tila ba mga abo ang nahuhulog mula sa kalangitan, Ngunit mas malalaki ang mga ito, na para bang mga talulot ng bulaklak na mga piraso ng papel. Hindi isang oras, kundi mga isa't kalahati hanggang mga dalawang oras ang lumipas. Kahit pumatak ang ulan ay hindi malamig, dahil hindi nito kayang talunin ang init ng panahong iyon. Dahil hindi nakakatakot ang ulan, ipinasan ko sa aking likuran ang aking anak, at niligpit ko ang mga basag na salamin na bintana at ang mga bagay sa labas
 
Mayabong na tumutubo ang mga damo sa labas. Kahit na may tanim kaming kaunting gulay, hindi namin maaaring pabayaang walang tanim sa pampang ng ilog upang mapadami ang pagkain nang mga panahong iyon, kaya't mayroon din kaming tanim na puno ng igos. Dahil hindi namin alam kung ano na ang sitwasyon, labas pasok din kami sa silungan upang magmasid at takot na takot kami.
 
Nang mga alas 10 y medya, may pabalik na isang tao na nasabugan ng bomba habang tumatawid ng tulay. Ang taong iyon ay si Kayoko Kawasaka, Nagtatrabaho siya sa Hiroshima Savings Bank na nasa kanto ng Takanobashi. Dalidali kaming tumakbo palapit sa kanya at itinanong kung "ano na ang sitwasyon", Umiiyak siya habang sinasabi na "Nasusunog ang Hiroshima, at hindi pwedeng daanan ang mga kalye, kaya't hindi na ito maaring puntahan". Pagkarinig namin sa sitwasyon na ito, agad kaming bumalik sa bahay.
 
Nang mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit ngunit kumbinsido ako na siguradong babalik si Shigeru, Kaya't hindi ko rin naisip na hanapin si Shigeru. Siguro ay mga alas 3 iyon, May nagsabi na sa akin na "Kasamang umuwi mula sa Tulay ng Aioi ng apat o limang kaibigan ang iyong anak". Nang mga alas 3, may mga umalis para maghanap, bumalik, mga nasabugan ng bomba  ang dumaan sa harap ng aming bahay marami sa kanila ang umalis at bumalik. Hindi ko na matandaan kung sino ang nagsabi sa akin, pero nang marinig ko na nakabalik na ang lima or anim na tumawid sa Tulay ng Aioi, napayapa na ang aking isipan. Hindi ko maalis sa aking isipan na "siguradong makakabalik siya ng buhay", At napayapa na rin naman ang isip ko dahil may nagsabi sa akin ng ganoon.
 
Naligo ako nang alas-12, at natulog nang ala-1 ng umaga ng Agosto 7. Hindi naman ako biglang nagising sa aking pagtulog, pero si Shigeru ay nakasakay sa bisikleta at lumiliko sa kanto pauwi. Habang nakasakay siya sa bisikleta, hinahaplos niya ang pareho niyang kamay at sinabi sa akin na "Ina, masakit ang kamay ko". Kung ako iyon, isa-isa kong hahaplusin pero hinahaplos niya nang pareho niyang kamay. Pagkahaplos, biglang nawala. Nakapagtaka talaga ang panaginip, kahit wala namang bagay sa ilalim, nakikita ko pa rin ang paghaplos ng kamay. Pagsabi ni Shigeru na "Inay, masakit ang kamay ko", hinaplos ko ito, at biglang nawala si Shigeru. Sa likuran ay mayroong karugtong na silid na maliit, nang maalala ko ito, nagmadali akong puntahan ito. Umupo ako sa kalye, "nagtataka ako kung panaginip lamang" ang nangyari, Dumating ang asawa ng isang sundalo na si Yasutaro Furumoto. Mga umaga ng alas 4 nang ako ay lumabas, pero may kaunting liwanag na. Tinanong niya ako kung "alam ko na ang sitwasyon". Ang sagot ko sa kanya, "Hindi ko pa alam. May napanaginipan ako na ganito, kaya't lumabas ako".        Ang asawa ay sumagot ng "Ay ganon ba?" at pagkatapos, hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Bumalik ulit ako sa bahay.
 
Sabi ng nakababata kong kapatid na lalaki, "Ihahatid kita ngayon, Ate". Nang mga oras na iyon, naisip ko na gumawa ng baon, kaya't nagsaing ako at gumawa ng rice balls. Bago kami umalis para maghanap, naglagay din ako ng tubig sa lalagyan para kay Shigeru, at ipinasok ko ito sa aking kabalyas. Hindi ko na ito napainom sa kanya, at inuwi ko na lamang ito.
 
Kahit saan ako magpunta, lahat ng mga tao ay nakayuko, at mahirap lapitan para kausapin. Dahil may nagsabi na may nakakita sa apat o limang magkakasama, ang aking kapatid na lalaki ay nagmungkahi na kami ay pumunta sa Tulay ng Aioi. Kung iisipin ko ngayon, ang Tulay ng Aioi ay napapalibutan ng kenotapya. Nagpunta kami hanggang sa Tulay ng Aioi para hanapin si Shigeru, pagkatawid at pagbalik namin sa kanlurang bahagi tulay, Pagtingala namin sa Tulay ng Heiwa-ohashi nakakita kami ng isang patay na lalaki, sunog na sunog, at nakatirik ang mata ng mga 1cm.
 
Noong araw na naghanap kami, sa isang dating bodega na ngayon ay CHUGOKU SHIMBUNSHA (The Chugoku Shimbun Co., Ltd.), ay ilang beses kaming nakarinig ng tunog ng pagputok ng mga lata.
 
Ang isa pang bagay na hindi ko malilimutan, ay sa gilid ng isang bahay ay mayroong malaking tangke ng tubig na halos 150cm ang laki. Sa loob ng tangkeng ito ay may 6 hanggang 7 patay na lalaki na tila naka pwesto na magtatrabaho at nakahubad na nakatayo nang tuwid ang hanggang ngayon ay hindi ko makakalimutan.
 
Ang isa pang hindi ko malimutan ay ang poste ng kuryente na halos matumba na at pagulong-gulong ito ay walang tigil sa pagliyab. Kapag tiningnan ang ilog, napakaraming mga tao ang nakalutang at inaanod nang ganito. Wala kaming magawa.
 
Sabi ng aking nakababatang kapatid na lalaki, "Ate, kahit anong gawin natin dito hindi natin makikita si Shigeru, pumunta na tayo sa susunod na lugar". Ang mga taong nasabugan ng bomba ay isinakay sa trak, Nang sinabihan kami na "pumunta ang trak sa Ninoshima, pumunta ang trak sa Ujina". Wala kaming paraan upang maghanap dahil hindi namin alam kung saan dinala ng trak.
 
Kaya't sinabi ng nakababata kong kapatid na lalaki na "Pumunta tayo sa Ujina". Isinakay niya ako sa kanyang bisikleta, at pumunta kami sa Japan Red Cross Hospital. Pagkapasok namin sa ospital, Kaliwa't kanan ang mga sugatan na nakahiga tulad nito, mayroon ding nagdudugo ang bibig at namamaga. Mayroon din na humihingi sa amin ng "tubig, tubig", ngunit wala kaming magawa. Mabigat man sa akin kalooban, ngunit, ang nagawa ko lamang maglakad at tingnan kung naroroon ba si Shigeru. Hindi ko ibinigay ang tubig, dahil gusto ko itong ipainom kay Shigeru. Hindi ko makayanan.
 
"Wala siya dito, kaya't pumunta na tayo sa susunod na lugar" kaya't sumakay na ako sa bisikleta at nagpunta kami sa timog. Dahil lumubog na ang araw at hindi na namin alam kung saan kami napadpad, Nagpunta kami sa kampo ng  Kanon-machi, ngunit wala rin doon si Shigeru. Kasama ang lider ng grupo na si Miyamoto, at ang aking nakababatang kapatid na lalaki, bumalik silang dalawa sa Kanon-machi, ngunit kahit saan kami magpunta at maghanap, hindi pa rin namin makita.
 
Hanggang napadpad kami sa Koi, nagbabakasakali na "baka naroroon o naririto," dinaanan namin ang lahat ng lugar hanggang inabot kami ng gabi. Nang Agosto 7, bumalik na rin kami, na puno parin ng tubig ang lalagyan. Nagsisisi ako na sana binigay ko na lamang sa taong humihingi sa akin ng "tubig, tubig" ang aking dala, ngunit wala na akong magagawa.
 
Noong alas-6 ng umaga ng Agosto 8, May boses na tumawag nang "Ginang Orimen". Kagabi, matapos ang trabaho, tumulong daw siya sa paghahanap ng anak na lalaki ng kanyang amo, nakita raw niya na mayroong talukbong kontra sa air-raid na may nakasulat na "Orimen", mga scrap at pitaka sa gilid ng kalye. Ang mga ito ay inayos ng sundalo roon. May mga tao na gumagawa ng iba't ibang pagtulong, at may mga nakalap na bagay na may nakasulat na "Orimen". Nang tinanong ang mga tao kung paano nila nahanap ito, sinabi daw nila na "nasusunog ito diyan." Dahil bihirang pangalan ang "Orimen", "Sa palagay ko, sa inyo ang mga ito, gusto ka sanang pumunta nang mas maaga, pero dahil gabi na kagabi, ay ngayong umaga na lang ako pumunta". Nang marinig ko ito, ang sagot ko lamang ay "ah ganoon ba?".
 
Dahil nakatanggap ako ng banga mula kay Ginoong Furumoto, ibinalot ko ang banga gamit ang furoshiki. At nagdala ako ng tubig at baong pagkain, upang umalis at maghanap. Subalit kahit umaga pa lamang, hindi pa inalis ang babala kaya mahirap pumunta sa Hiroshima, Lagpas na ng tanghali nang makaalis kami. Nakalatag ang maraming bangkay na nasunog, matutukoy sana kung mayroon man lamang haba ito, ngunit hindi matukoy kung hanggang saan ang bangkay at kung hanggang saan ang basura. Gayun pa man, patuloy akong naglakad para maghanap "Mukhang hindi talaga matutukoy, di ba Tetsu." ang sabi ko sa aking nakababatang kapatid na lalaki.  Nang araw na iyon, hindi namin kasama si Pinunong Miyamoto, kaming dalawa lamang ng aking nakababatang kapatid na lalaki ang umalis. katakataka, ngunit bigla ko na lamang nakita. Ang noo at mga mata ay katulad na katulad ng kanyang litrato. Sabi ko"Si Shigeru iyon, Shigeru, Shigeru". inilagay ko sa aking dalang banga ang mga buto. Si Shigeru ay nakahigang namatay at nasunog. Sa ibaba lamang ng kanyang tiyan ay naroon ang baunan, "ate, nandito ang baunan" sabi ng aking nakababatang kapatid na lalaki. Naroon sa baunan ang "Masaaki Orimen" na pangalan ng aking kuya na isinulat ko gamit ang dril. Hindi nasunog ang aking ginawang baong pagkain, at ang lalagyan ng inuming tubig, maging ang bag. Maging ang pera ay naiwan nang hindi nasunog. Inuwi ko ang mga naiwang bagay, at inayos ko ito sa tabi ng altar sa aming bahay.
 
Ang aking nakita sa aking panaginip na pagtawag sa akin ng "Inay, Inay" ay hindi ko makayanan. Sa palagay ko, sa panaginip ko lamang iyon nakita. Palagi kong sinasabi na "umupo ka dahil gagawin kang target ng air raid kapag nakita kang nakatayo". Nalaman ko na mayroong bodega sa lugar na pinagdapaan niya noong nagkaroon ng pagpapasabog ng bomba. Sa aking palagay, gumuho ang bodega at siya ay nadaganan, masakit ang kanyang mga kamay kaya't hindi siya makaalis. Nahirapan siguro siya.
 
Narinig ko sa ibang tao na, ang mga taong karaniwang umuwi, matapos ang dalawang araw ay pumanaw din. Narinig ko sa isang bata na lahat silay ay tumatawag ng "Inay! Inay!" Ang mga bata kasi kapag umuuwi mula sa eskwelahan, tumatawag sila sa kanilang ina ng "Inay!" kapag mayroon silang isang bagay na gustong makuha. Tulad din nito, sa palagay ko ay naghanap sila ng pagmamahal ng ina nang sila ay tumawag ng "Inay".Nahirapan siya sa palagay ko.
 
Hindi dapat mangyari ang mga bagay na ganito. Kapag pumipikit ako para matulog, laging lumilitaw sa isipan ko ang pangyayaring iyon, at hindi ako makatulog. Binibigyan ako ng doktor ng pampakalma para ako'y makatulog.
 
Ang giyera ay tunay na kalunos-lunos at kahabag habag na bagay. Pag-isipan niyong mabuti ang tungkol sa giyera. Hindi dapat magkaroon ng giyera. Huwag dapat magkaroon ng nuklear, kailangang pigilan na malikha ito. Tayo ang dapat na mangalaga sa ating tinatamasang kapayapaan ngayon. Iyon lamang ang aking gustong sabihin.             
 
Kamakailan, nakita ko ang direktor ng Hiroshima Peace Memorial Museum at direktor ng Hiroshima Peace Culture Foundation na nagpunta sa Soviet Union. Nakakalungkot kapag naririnig ko ang sitwasyong tungkol sa Soviet Union.  
 
Hindi na maaring mangyari ang mga bagay na ganito. Dapat ay magkasundo ang lahat. Ang tanging nais ko ay "Nawa'y magkaroon ng kapayapaan, nawa'y magkaroon ng kapayapaan". Nawa'y wala nang paghihirap.
 
Ang mga naging pahayag ni Binibining Shigeko Orimen.
Plano/Produksyon   Hiroshima Peace Culture Foundation 1990.8
  
 
 

HOMEに戻る Top of page
Copyright(c) Hiroshima National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims
Copyright(c) Nagasaki National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims
All rights reserved. Unauthorized reproduction of photographs or articles on this website is strictly prohibited.
初めての方へ個人情報保護方針
日本語 英語 ハングル語 中国語 その他の言語