国立広島・長崎原爆死没者追悼平和祈念館 平和情報ネットワーク GLOBAL NETWORK JapaneaseEnglish
 
Select a language / Filipino (Filipino・フィリピノ語) / Video testimonial
NUMATA Suzuko (NUMATA Suzuko)
Gender Female  Age at time of bombing 22 
Recorded on 1987.8.1  Age at time of recording 64 
Location at time of bombing Hiroshima(Distance from the hypocenter:1.3km) 
Hall site Hiroshima National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims 
Dubbed in Filipino/
With Filipino subtitles
With Filipino subtitles 
Si Suzuko Numata, 22 anyos sa oras na iyon. Si Binibining Numata ay nasa loob ng gusali ng istasyon ng komunikasyon ng Hiroshima na ngayon ay tanggapan ng koreo ng rehiyon ng Chugoku na nasa layong 1.3 kilometro nadaganan matapos na makita niya ang kislap, naputol ang kaniyang kaliwang paa. habang nagdurusa si Binibining Numata sa naging epekto ng bomba tulad ng pagsailalim niya ng limang operasyon sa kaniyang kaliwang paa, patuloy niyang isinasagawa ang mga pagpapahayag sa kaniyang karanasan sa pagsabog ng bomba upang maipamana ang kahalagahan ng kapayapaan at karanasan sa pagsabog bilang isa sa mga biktima nito.
 
dahil sa mainit ang pakiramdam ko ng umagang iyon, isinuot ko ang sariling-gawa kong pantalon na gawa sa koton at manipis na blusa, ako ay naghintay sa bahay suot ang talukbong kontra sa air-raid habang nakasukbit sa aking balikat ang maliit na emergency bag. at pagpatak ng 7:31, tumunog na ang sirena sa pag-aalis ng babala sa air-raid. dahil sa sinabi ng mga taong kasapi sa samahan ng magkakapit-bahay na "Panatag kang lumabas ngayon dahil walang eroplano ng mga kalaban na lumilipad sa Hiroshima",kaming 4 kasama ang aking ama, kuya at nakababatang kapatid na babae at ako ay umalis ng bahay matapos na magpaalam sa aking ina. naghiwalay kami ng aking ama at nakababatang kapatid na babae sa entrada ng istasyon ng komunikasyon, at sa aking harapan ay ang hagdang bato na tumutuloy sa ika-2 palapag…
 
Sa hagdang ito po.
 
Oo, ito nga. Ang hagdang ito ang naiwan pagkatapos, at nakalagay rito bilang isang pangunita. Ang hagdang ito ay tumutuloy hanggang ika-2 palapag simula sa unang palapag at malapad ang sukat. Kayang umakyat nang puspusang bilis hanggang sa bubungan gamit ang hagdang iyan. Wala pa ang 3 babaeng tauhan, ako pa lamang ang tao noon. Binati ko ang pinuno ng mga sundalo nang "Magandang umaga", at sinabi niya na "Magandang umaga, mainit na naman ngayong araw ano?". biglaang naalala ko na hindi ako makakapaglinis kapag marami nang tao ang pumasok sa silid na ito kaya. kahit mag-isa ako ay nagpasiya na akong maglinis.
 
 
Ikakasal na sana ako matapos ang 2~3 araw. Ang aking nobyo ay nagpunta sa giyera simula katapusan ng Marso, taong 1945. May dumating na balita na siya ay babalik sa Hiroshima para sa isang opisyal na pagbisita nang alinman sa Agosto 8, 9, 10, at dahil sa hindi maaaring puro na lamang pangako sa panahon ng pagkikita ng magkabilang pamilya, napag-usapan na idaos na ang kasal sa panahon ng mismong pagkikita. Ang puso ko ay masigasig sa kaligayahan. Kaya naisipan kong maglinis nang maaga kahit mag-isa ako at sinipagan kong maglinis.
 
At nang matapos na ang paglilinis, inisip ko kung saan ko huhugasan ang basahan, naisipan kong pumunta sa banyo na nasa ika-4 na palapag. Ibinaba ko ang hawak kong balde at habang tinitingnan ko ang mga lalaking nasa labas ay bumaba ako gamit ang maikling hagdan na nasa katabi at nagtungo sa banyo sa ika-4 na palapag. Pagbaba ng hagdan ay agad na naroon ang banyo sa kaliwa, napatigil ako sa pasilyo na nasa tapat nito.  Noong panahong iyon, katapusan ng Abril taong 1945, nakita ko ang kasamahan ko sa trabaho na kasundo ko. Nagkataon din siguro na naisip niyang pumunta sa banyo. Nakita ko siya noong papasok ako sa banyo habang bitbit ko ang balde. Natatandaan ko na binati ko siya ng "Magandang umaga".
 
matinding liwanag ang nakita ko sa oras na iyon. napakagandang liwanag. ngayon, ang natitira sa sulok ng aking mga ala-ala ay kulay kahel na lamang, ngunit ang nakita kong liwanag noong oras na iyon ay hindi ko alam kung may kulay pula, asul, berde at kumalat ang liwanag nang walang tunog. ang kaibigan kong nakilala ng pagkakataong iyon ay nakatalikod sa direksyon ng sentro ng pagsabog, habang ako naman ay nakaharap sa direksyon ng sentro ng pagsabog, kaya't kami ay magkaharap. nang magkamalay ako, hindi ko na alam kung saan ako naroroon. parang nasa loob ako ng napakadilim na silid, hindi ko alam kung anong mabigat na bagay ang nakapatong sa akin at hindi makagalaw ang katawan ko. wala rin akong marinig na tunog. nadaganan ka na ba matapos lumiwanag. hindi ko alam kung saang silid ako napatalsik. noong matapos kong makita ang liwanag ay napatalsik ako sa sobrang lakas na hangin at ako ay nawalan ng malay.
 
nang matauhan ako, ako ay nadaganan ng bagay na hindi ko alam kung ano. parang may narinig akong tinig na nagsabi na "May tao ba riyan?", sumigaw ako ng "Tulungan ninyo ako. Tulong" nang hindi ko namamalayan. Narinig siguro ang pagtawag ko. Narinig ko ang tinig na nagsabing "Sino ka. Sabihin mo ang pangalan mo" kaya't natural na sinabi ko ang aking pangalan. napansin ko na may lalaking natataranta. hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang taong iyon ngunit natatandaan ko na dalawa sila. Narinig kong sinasabi nilang "Tumayo at lumabas ka. Tumayo at lumabas ka". Hindi ako makatayo, hindi ko rin alam kung nakakilos ako. Unti-unting hinila ng lalaki ang bagay na nasa aking ibabaw. At sa pagkakataong iyon ay sinabi niya na "Hala, ang paa!", ngunit wala akong naramadaman na kahit anong sakit. Hindi ko alam kung anong nangyari sa paa ko, para bang may nangyari sa paa ng ibang tao. Naririnig ko lang ito gamit ang tenga ko habang ako ay nakatulala lamang. Tapos, hindi ko na alam kung paano ako nakatayo at pinasan, basta narinig ko lamang na may nagsabing "Pumasan ka sa likod ko", at ako ay pinasan saka kami lumabas sa pasilyo. umaalingasaw ang abnormal na amoy at punong-puno ng usok na madilim ang kulay. Nagtanong ako kung "Anong nangyari" ngunit sinagot lamang ako nang "Hindi ko rin alam kaya dalian nating tumakas".
 
Hindi ko matandaan kung sa likurang hagdan kami dumaan simula sa ika-4 na palapag pababa sa unang palapag, o sa hagdang ito kami dumaan, pero lumabas kami sa may palaruan sa likod.  habang ako ay pasan-pasan, ang una kong nakita sa may pasukan ay ang mga pasilidad ng militar tulad ng Hiroshima Imperial Headquarters, Hiroshima Cadet Preparatory School na nasa gawi roon ng palaruan  na pulang-pula dahil sa sunog. hindi ko alam kung bakit sila nasusunog.
 
nang tingnan ko ang paligid, ang mga lugar na regular na ginagawang pahingahan tulad ng puno ng wilow, sakura at chinese parasol tree ay nag-aapoy rin. habang ako ay pasan-pasan, lumingon ako at nakita ko na parang dagat ng apoy ang mga gusali. habang nakikita ko na labas pasok ang mapulang apoy sa bintana, inisip ko lamang na bakit kaya ito nasusunog.             
 
nang una kong tingnan ang loob ng palaruan habang hindi pa malinaw ang aking isip, hindi na anyong tao ang mga tao. ang tunay na anyo ng isang tao na naiwan sa aking ala-ala hanggang sa ngayon, ay ang anyo lamang ng aming hepe na nasa ika-4 na palapag. ngayon ay halos hubad na siya sa punit punit niyang pantalon at sugatan, may nakatali sa ulo niyang parang tuwalya. nakita ko ang sugatan naming hepe at pigura ng mga taong aking natatandaan, ngunit lahat sila ay punit punit ang mga suot, nakabaligtad ang mga buhok, at tumutulo ang dugo. nakalaylay ang mga kamay, natataranta at patakbo-takbo sa loob ng palaruan habang mayroong isinisigaw. habang hirap na hirap ay tumatakbo sila paroo't parito.
 
mula sa dako roon ng palaruan, may taong papalapit na parang nasisiraan ng bait na paikot-ikot habang nagsasalita. habang tinititigan ko siya, nakilala ko na ang palapit pala sa akin ay ang aking ama. mukhang nakahinga siya nang makita niya ako, at napansin niya ang aking paa. putol maging ang buto ng kaliwang bukong-bukong ng paa ko at may natira na lamang na bahagyang laman, at matindi ang pagdurugo. Tiningnan ng aking ama ang aking paa, wala siyang iniisip na ibang tao kundi ang kaniyang anak lamang, Nang sumigaw siya na "Tulungan ninyo ang anak ko. Magdala kayo ng kahit ano rito", galing sa kung saan ay may dumating na tatami mat. Doon ako unang humiga, Dumaan kami sa tabi ng isang nasusunog na gusali galing sa palaruan habang tinutulungan ako ng aking ama at ng iba pang mga sugatan.           
 
Eksaktong sa tabing ito. Pag labas namin ng tarangkahan, na ngayon ay dinadaanan ng Hakushima Line, dito sa paligid nito kami nanatili. Doon na nagbalik ang aking kamalayan, at luminaw na ang tingin ko sa mga bagay-bagay. Kung saan-saan may nasusunog.“Tubig. Inay. Masakit, tulungan mo ako” ang karamihan sa aking naririnig na mga boses na nahihirapan. May mga narinig rin ako na boses na “Dito may patay din. Maski rito patay na naman”, pero hindi ko naramdaman ang takot. Siguro ay dahil sa hindi pa buo ang kamalayan ko noon. Unti-unti nang lumiwanag ang naririnig kong boses. Nakita ko ang pila ng mga taong naglalakad mula sa may ulunan ko sa aking pagkakahiga paparito. Ang mga taong iyon ay isa isang natumba at nangamatay. Tandang-tanda ko ang pangyayaring iyon.             
 
Nilagyan ako ng pampatigil ng pagdurugo kaya ito ay tumigil na, kaya’t naisip ko na ligtas na ako. Nang malinaw na ang malay ko, may isang tao na sugatan sa may kanan kong paanan ang namamaluktot na hindi ko makilala kung lalaki o babae. Nakilala ko na siya ang aking nakababatang kapatid na babae nang tawagin niya ako ng “Ate”.
 
Tapos ay nagdilim ang kalangitan at umulan. Maging ang kulay ay natatandaan ko. Hindi ko inisip na ang ulang iyon ay mayroon palang dalang nakakatakot na bagay na tinatawag na radiation, ito ay tumama sa aking putol na paa at sa mga taong namatay. Naulanan din ang taong nagsasalita ngunit lahat ay tahimik lamang ng pagkakataong iyon.
 
Kaya lang, dumating muli ang B29, kinailangan naming tumakas sa kung saan dahil hindi kami maaaring mamatay gayong minsan na kaming nakaligtas. Sumunod ay sa may lugar naman ng pasukan kami nanatili. Hindi man masyadong malawak doon pero malapit sa Ospital ng Komunikasyon. Dahil sa gusto akong tulungan ng aking ama, nagpabalik-balik siya sa ospital. Ngunit, maging ang mga doktor at nars ay sugatan rin.
 
Sa pagkakataong iyon na pabalik-balik siya, may nakilala siyang isang doktor. Siya ay eksakto palang pinuno ng ospital na ang pangalan ay Doktor Michihiko Hachiya. Kahit na nasugatan siya nang malaki dahil sa pagsabog, nakarating rin siya sa wakas Ospital ng Komunikasyon. Pagkatapos na mag-opera si Doktor ay nakiusap si Ama, natatandaan ko nagpunta kami sa bahay niya kahit na napakadilim nang paligid. Parang malayo ang aming pinuntahan sa pakiramdam ko, pagdating naming ay mayroong nakasinding isang kandila. Doon pinutol ang aking paa, at bumalik kami sa entrada ng istasyon ng komunikasyon.
 
Inisip ko kung ano ang nangyari sa aking paa kaya tinanong ko kung “ano ang nangyari sa paa ko?”. Sabi ng nakababata kong kapatid ay “Ate, wala na ang paa mo”. Ang mga lumabas na salita mula sa aking puso ay, “Hindi na ako makakapag-asawa. Hindi na ako makakaakyat ng hagdan. Hindi na rin ako makakapagtrabaho”. Dahil sa kasisigaw ko, Nasabi daw tuloy ng mga taong sugatan na “Makakaakyat ka ng hagdan. Makakapagtrabaho ka. Makakapag-asawa ka” para daw paglubagin ang loob ko. Hindi ko matandaan ang mga ito, pero nalaman ko na lang pagkatapos.
 
Para kaming pinabayaan simula ng gabi ng pagsabog hanggang 3 araw. Dahil sa punong-puno sa may entrada, parang 2 hanggang 3 araw na may impiyerno sa lupa. Dahil sa hindi pwedeng palaging narito lahat, kinailangang ayusin ang Ospital ng Komunikasyon, Lumipat kami sa unang palapag simula nang sumunod na araw. Mga taong namatay, sugatan na nasa unang palapag at hindi makakilos, ako ay napailalim sa kanila. Gayon pa man, nang dumating sa aking lugar ang doktor habang dala-dala ang kandila at flashlight, Sinabihan ako na "Putulin natin kung saan magandang putulan ang taong ito. Sa ganitong paraan, maaaring mabuhay pa siya". Nalaman ko na lang kalaunan na ang paa ko noon ay napabayaan nang 3 araw at nagnana na hanggang tuhod at malapit na akong mamatay. Ngunit kahit na gusto akong tulungan ay talagang walang magagawa sa gabing ito kaya Bukas, hihintayin ang madaling araw at puputulin na ang aking paa.
 
Sabay sa pagpasok ng petsa a-diyes, pinutol ang aking paa nang halos walang anesthesia simula sa buto sa hita. Sa pagkakataong iyon bilang magulang, ang aking ama ay lumayo sa akin dahil hindi niya makayanang tingnan ang nangyayari. Ang masikap na humawak sa aking kamay at paa ay ang aking mga kasamahan sa trabaho. Nang inooperahan ang aking paa, hinimatay raw ako sa kasisigaw. Mula noon sa loob ng 1 taon at kalahati ay pagpapagaling lamang ang aking ginawa. Kapareho ng iba, nalagas din ang buhok ko, nagtae at nilagnat din ako. Ang paa ko naman ay nakakapagtaka kung bakit puro pagnanana ang nangyari, Puno ang benda ng nana hanggang sa itaas na hindi mo maintindihan kung berde o kulay-kape ba ang kulay. Lumalabas ang nana hanggang sa dugtungan ng aking paa. Kapag inalis ang benda, nana lamang ang lumalabas at panipis na lamang nang panipis ang laman. Ang buto na pinutulan ay walang pagbabago ngunit tuwing mababawasan ang laman, ito ay lumalabas nang 2, 3 sentimetro ang lumalabas. Kaya magsasagawa na naman ng operasyon para putulin ang buto. Pagkatapos nito ay mababawasan na naman ng laman.      
 
Kahit hanggang ngayon ay natatandaan ko pa, kapag tinitingnan ko ang benda na nilabhan ng aking ina Palaging may mantsang kulay-kape at berde rito kapag natuyo na. Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, ako ay inoperahan nang 4 na beses hanggang Pebrero ng 1947.          
 
Namugad din ang mga uod sa mga panahong iyon, sa kama, sahig at maging sa katawan ng tao ay gumagapang. Pati sa katawan ko ay may namugad na uod at gumapang sa aking katawan. Sa bahaging kaliwa ko, mga 15~16 sentimetro ang layo ay may isang tao na naputulan ng kanang braso dahil siya ay nadaganan din ng bahay, Unti-unti itong lumala. Sa kanang braso nito ay may malalaki at matatabang uod na nakatayo at nagkumpol-kumpol na gumagalaw. Hindi ito gumagapang pahiga kundi patayo ang galaw nito. Nakakatakot itong tingnan kapag nakatagilid kaya’t sumigaw ako na “Alisin ninyo ang nakakatakot na mga uod!”. Dahil sa sigaw ko ay tinanggal ng mga tao ang uod na namugad sa katawan ko.
 
Sinubukan din nilang alisin ang mga uod doon sa isang tao pero nahirapan sila na alisin ang mga uod na ito. Ginapangan ng mga uod ang mga mukha, leeg, bibig, hanggang sa ilong ng mga taong nasunog. Mayroong isang ina na yakap ang kaniyang sanggol habang siya ay nahihirapan dahil sa mga uod. Ang kaso, ang sanggol pala ay namatay na habang yakap-yakap ito. Totoong kuwento ito. Sa tabi ko, ang itsura ng uod na gumagapang, ang itsura ng naputol na braso ay hindi ko malilimutan hanggang ngayon.  
 
Ang nakababata kong kapatid na babae ay mas mukhang hindi mabubuhay kaysa sa akin dahil sa paghihirap niya. Nagkaroon siya ng lahat ng posibleng maging karamdaman tulad ng tuberkulosis, sakit sa lapay at bituka. Sunod-sunod na inaalis ang mga salamin, at nag-iwan ng nakasusuklam na sugat. Nagpa-plastic surgery rin siya. At nagkaroon siya ng pinaka-kinatatakutan niyang kanser sa suso, at tinanggal pareho ang kaniyang suso. Matapos ito ay nahirapan din siya sa epekto matapos ang kaniyang naging sakit. Lumutong ang kaliwa niyang balagat at nabali. At ngayon, ang kaliwang braso niya ay doble ang laki kaysa sa kanang braso. Hirap na hirap siya dahil sa talagang napakahirap na suportahan ang brasong iyon. Mayroon pa ring isang bagay siyang inaalala. Namamaga na ang kaniyang teroydeo glandula kaya ito ay sinusuri. Nagkaroon na rin ng kanser sa suso ang nakababata kong kapatid na babae, Kaya't dahil sa hindi malaman kung saan may nagkukubling kanser ay araw-araw nag-aalala siya na baka magkaroon siya ng kanser sa teroydeo glandula kaya't siya ay nagpapasuri sa doktor. Hindi ko alam kung ano ang naging resulta ng pagsusuri ngunit parang ganoon ang kasalukuyang kondisyon.
 
Sa kasalukuyan ay payapa at walang anumang nangyayari, at kontento sa kasaganaan. Ngunit para sa mga taong walang pakialam dahil wala silang alam, baka bigla na lamang isang araw ay may lilikhaing sandatang nuklear, at sa mga pagkakataong hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng digmaang nuklear ay maaaring mangyaring muli ang tulad ng nangyari sa amin. Nais kong ang aming karanasan ay hanggang sa amin na lamang matapos.
 
Hindi rin dapat makipagdigma. Sa ngayon ay pinangangalagaan na kailanman ay hindi makikipagdigma ayon sa konstitusyon sa kapayapaan, ngunit nakababahalang isipin kung kailan masisira ang pangakong ito. Nakakatakot na ang mga kabataan na nabubuhay sa gitna ng pagkabahalang ito ay maniwala. Kami ay pinaniwala sa mga kamalian habang nasa gitna ng digmaan. Hindi dapat maniwala sa susunod na pagkakataon, hindi dapat na malinlang. Kaya kami na hindi nakaunawa ay nagpapahayag ng mga karanasan sa pagsabog, Ang mga naiwang nabubuhay ang unti-unting makakaunawa. Sa gitna ng aming pagpapahayag ng karanasan, kinakailangan pa rin naming mag-aral. Kaya kami ay nakaunawa . Nais ko na ang mga kabataan bilang kanilang sarili ay matuto nang mabuti.
 
Ito ay salitang palagi kong sinasabi, simula noon pa sa Japan ay may kasabihang "Ngayon ay sa ibang tao, bukas ay sa aking sarili". Kahit na ngayong araw ay naging ligtas, kinabukasan ay maaaring mapalitan ito ng kakila-kilabot na pangyayari, at sa iyo ito maganap. Iyan ang palagi kong sinasabi sa lahat. Sa iba't ibang mga pangyayari, hindi natin maaaring isipin na iyon ay pangkaraniwan, o para sa ibang tao lamang. Sana ay isipin natin na maaari itong mangyari sa atin sa kinabukasan.
 
 
Ang mga naging pahayag ni Binibining Suzuko Numata.
 
Plano/Produksyon Hiroshima Peace Culture Foundation 1987.8
  
 
 

HOMEに戻る Top of page
Copyright(c) Hiroshima National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims
Copyright(c) Nagasaki National Peace Memorial Hall for the Atomic Bomb Victims
All rights reserved. Unauthorized reproduction of photographs or articles on this website is strictly prohibited.
初めての方へ個人情報保護方針
日本語 英語 ハングル語 中国語 その他の言語